November 23, 2024

Home BALITA National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Nagpapatuloy ang “life-threatening conditions” sa northern portions ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa bagyong Marce na kumikilos na sa Babuyan Channel, ayon sa 8 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 7.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Marce coastal waters ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 4

- Northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kabilang na ang Babuyan Islands

- Northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol)

- Northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Laoag City, Piddig, Carasi, San Nicolas, Sarrat)

Signal No. 3

- Batanes

- Mga natitirang bahagi ng Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Apayao

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

- Northern portion ng Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued)

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo)

Signal No. 2

- Northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan)

- Mga natitirang bahagi ng Abra

- Kalinga

- Mountain Province

- Northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan)

- Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan)

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol)

Signal No. 1

- Mga natitirang bahagi ng La Union

- Pangasinan

- Mga natitirang bahagi ng Ifugao

- Mga natitirang bahagi ng Benguet

- Mga natitirang bahagi ng Isabela

- Quirino

- Nueva Vizcaya

- Northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)

- Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan)

- Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Base sa forecast track ng PAGASA, kikilos ang Typhoon Marce pakanluran, dadaan sa Aparri Bay at posibleng magla-landfall muli sa baybayin ng northwestern mainland Cagayan ngayong gabi.

“Regardless of the position of the center of the eye in the next several hours, it must be emphasized that potentially life threatening conditions due to typhoon-force winds, storm surge inundation, and torrential rainfall will be experienced in the Babuyan Islands and the northern portions of mainland Cagayan, Ilocos Norte, and Apayao,” anang PAGASA.

Hindi inaalis ang posibilidad na maging “super typhoon” ang Marce pagkatapos dumaan sa northeastern Cagayan. Gayunpaman, posible itong humina sa susunod na 12 hanggang 24 oras dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng mainland Luzon, bagama’t mananatili ang bagyo sa “typhoon” category sa buong pagdaan nito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) region.

Maaaring lumabas ng PAR ang bagyo bukas ng tanghali o gabi, Nobyembre 8.