December 23, 2024

Home BALITA

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!
Photo courtesy: Atty. Migs Nograles (FB)/File Photo

Lumabas na ang resulta ng hair follicle drug test na isinagawa kay PBA Party-list Representative Atty. Migs Nograles, ayon sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 6.

Ayon sa kaniyang mga inilapag na "resibo," negatibo ang lumabas na resulta sa kaniyang drug test.

"Results are in! Bukod po sa partial results ng US Election, andito na rin yung OFFICIAL results natin ," aniya.

"Negative po tayo sa Hair Follicle drug test na ginawa natin last October 23. But wait, there’s more results. Para sa mga Marites at Marisol diyan, negative rin tayo sa isa pang test result! O diba?"

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"Para triple combo, dagdagan pa natin para mas masaya, apilan nato og IQ test pud para makumpleto na tanang tests Amping Kanunay!"

Ang tinutukoy niyang isa pang test ay "pregnancy test."

Matatandaang kamakailan lamang ay naghamunan sa isa't isa sina Nograles at makakalaban niyang si 1st District Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte na sumailalim sa hair follicle drug test. Pareho silang tatakbo para sa distrito.

Nauna nang inilabas ni Duterte ang negative result ng kaniyang drug test kamakailan.

MAKI-BALITA: Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test