January 22, 2025

Home BALITA

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa nagwaging si Donald Trump

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa nagwaging si Donald Trump
Photo courtesy: Bongbong Marcos, Donald Trump/Facebook

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kay sa pagkapanalo ni US President Elect Donald Trump at maging sa buong Estados Unidos.

Sa opisyal na Facebook account ng Pangulo, inihayag niya ang kaniyang pagbati at mensahe para kay Trump.

“President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” ani Marcos.

Isinaad din ni Marcos na inaasahan daw niya na makasama si Trump sa pagtugon daw ng mahahalagang isyung matagal ng itinataguyod ng samahan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits for two nations with deep ties, shared beliefs, a common vision, and a long history of working together.” anang Pangulo.

Umaasa rin daw si Marcos na mas mapapatibay pa ang alyansa ng bansa at Amerika sa ilalim ng muling pamumuno ni Trump, lalo na’t pareho raw paniniwalang bitbit ng dalawang bansa.

“This is a durable partnership to which the Philippines is fully committed, because it is founded on the ideals we share: freedom and democracy,” saad pa ni Marcos.

Tinapos ni Marcos ang kaniyang mensahe sa muli niyang pagbati kay Trump.

“Congratulations, President Trump!”

Kate Garcia