December 09, 2024

Home FEATURES Tourism

NAIA, 'worst airport' sa buong mundo—Australian firm

NAIA, 'worst airport' sa buong mundo—Australian firm
MB FILE PHOTO

Tila ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang umano'y "worst airport" sa buong mundo matapos makakuha ng pinakamababang rating sa pag-aaral ng isang Australian firm.

Ayon sa "Compare the Market" noong Oktubre 25, 2024, sinuri raw nila ang 60 "most popular airports" sa buong mundo base sa kanilang Google Review rating, efficiency, accessibility, services, cleanliness, at Skytrax rating. 

Ang bawat airport ay nakatanggap ng score sa pagitan ng zero at 10, kung saan 10 ang pinakamataas.

Sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa 60 airport sa buong mundo, ang NAIA ang pinakahuli sa listahan. Ito'y matapos makakuha umano ng 0.24 index total, dahilan kung bakit ito naging "worst airport in the world."

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Nakakuha rin ang NAIA ng score na 6.6 para sa efficiency, 6.6 din sa accessibility, 6.1 naman para sa services, at 6.8 sa cleanliness.

Bukod dito, 3.8 naman ang nakuha ng NAIA sa Google review rating at 3.0 naman sa Skytrax rating. 

Samantala, ang NAIA ang ika-50 "busiest airport in the world," base pa rin sa pagsusuri ng naturang Australian firm.

Narito naman ang Top 10 highest rated airport sa buong mundo:

1. Hong Kong International Airport
2. Singapore Changi Airport
3. Tokyo International (Haneda) Airport
4. Incheon International Airport
5. Hamad International Airport
6. Shenzhen Bao'an International Airport
7. Munich Airport
8. Seattle-Tacoma International Airport
9. Dubai International Airport
10. Istanbul International Airport