November 23, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Celine Dion, emosyonal sa pagkikita nila ni Adele: 'Thank you forever...with all my love'

Celine Dion, emosyonal sa pagkikita nila ni Adele: 'Thank you forever...with all my love'
Photo courtesy: Celine Dion/Instagram

Naging emosyonal si Queen of Power Ballads Celine Dion sa pagtatagpo nila ng singer-songwriter na si Adele, kamakailan.

Sa isang Instagram post ni Celine, ibinahagi niya ang kaniyang pasasalamat kay Adele.

“Adele, we are so grateful to you for welcoming me and my family back to the Colosseum for your amazing show!” saad ni Celine.

Ibinahagi ni Celine ang naturang post matapos niyang panoorin ang pagtatanghal ni Adele sa Las Vegas residency show sa Colosseum.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Dagdag pa ni Celine, malaki rin daw ang kaniyang pasasalamat kay Adele, lalo na raw sa mga kanta nito, na naging inspirasyon niya sa mga nakaraang taon.

“Your music has had such an impact on my life, it is so important to me, especially over these last few years,” ani Celine.

Matatandaang hanggang ngayon ay nakikibaka si Celine sa Stiff Person Syndrome (SPS) magmula pa noong 2022. Ang SPS ay isang autoimmune neurological disease na nagsasanhi upang hindi makakilos ang isang taong nagkaroon nito at nagdudulot din ng pananakit ng mga kalamnan. 

Samantala, ibinahagi rin ni Adele sa kaniyang  Instagram ang larawan ng kanilang pagkikita ng nasabing Canadian singer.

“I have been performing in Celine Dion’s room at the Colosseum for almost 2 years now. 4 weeks to go! It was the only venue I wanted to play in Vegas because it was built for her,” saad ni Adele. 

‘Palasyo ni Celine’ kung ituring daw ni Adele ang Colosseum, kaya’t masaya raw siya na masilayan ang idolo at personal na nagbalik dito upang panoorin ang kaniyang pagtatanghal.

“Words will never sum up what you mean to me, or what you coming to my show means, let alone how it felt seeing you back in your palace with your beautiful family,” saad ni Adele.

Noong Setyembre 2024, nang ianunsyo ni Adele ang kaniya umanong “extended hiatus” kapag natapos na raw ang kaniyang Las Vegas residency. 

“I have spent the last seven years building a new life for myself, and I want to live it now,” ani Adele.

-Kate Garcia