November 25, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Kahapon pa!' Kathryn Bernardo, handa na ulit magmahal

'Kahapon pa!' Kathryn Bernardo, handa na ulit magmahal
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Tila handa na muling magmahal ang puso ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nila ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 28, walang pag-alinlangang sinagot ni Kathryn ang tanong ni Boy tungkol dito.

“Kathryn, yes or no? Are you ready to fall in love again?” usisa ni Boy.

“Yes,” sagot ni Kathryn. “Kahapon pa. Reding-ready na! Yes.”

Relasyon at Hiwalayan

Sue at Dominic, mag-jowa na raw: 'Para mag-kiss na kayo, something is happening!'

Bagama’t handa nang magmahal, hindi sinabi ni Kathryn kung sino ang maswerteng lalaki.

Sa ngayon, abang-abang na lang muna kung sino ang kasunod na iibigin ni Kathryn matapos ang mahigit isang dekada niyang relasyon kay Daniel, na ayon sa kaniya ay hindi naman daw niya pinanghinayangan.

MAKI-BALITA: 'It was 11 beautiful years!' Kathryn, 'di nanghinayang sa relasyon nila ni Daniel

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Maliban dito, ibinahagi rin ng aktres na nakapagpatawad na raw siya hindi lamang sa ibang tao kundi pati sa sarili.

Aniya,  “Personally po, ‘yong nangyari sa akin, una kong napatawad ‘yong sarili. Saka ako natutong magpatawad ng ibang tao.”