October 23, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta
Photo courtesy: Parokya ni Edgar/Facebook

Hindi rin nakaligtas sa epekto ng bagyong Kristine ang sikat na OPM band na Parokya ni Edgar matapos silang ma-stranded sa Sorsogon. 

Sa isang Facebook post nitong Martes, Oktubre 22, ibinahagi ng banda na hindi sila maka-uwi dahil kanselado ang lahat ng flights.

“Stranded kami sa Sorsogon. Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip,” saad ng banda.

Kaya naman ang naging trip na lang daw ng kanilang banda, ay maligo na lang sa ulanan.

Musika at Kanta

Jona bumirit sa ASAP na puro 'Hmm-Hmm' at 'Eh-Eh' sa lyrics, umani ng reaksiyon

“So naligo nalang kami sa ulan. Stay safe, everyone!!!”

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng maikling mensahe sa banda at giit nila, makakagawa na raw ng bagong kanta ang mga ito.

“Parang title lang ng kanta. S-S-S, Stranded Sa Sorsogon.”

“Compose ng kanta habang nasa Sorsogon habang may bagyo.”

“Yan dapat ang trip hehehe.. Mag tumbang preso pa kayo Dyan Sarap Nyan.. hahaha”“Haranahon ninyo ang mga binaha.”“Gawan niyo ng kanta boss Chito.”

“Cute nyo po, parang mga bata.”

Samantala, na-stranded umano ang banda matapos ang kanilang concert kamakailan sa Sorsogon.

Kate Garcia