October 23, 2024

Home BALITA

Boss Toyo, nanawagang isabay ang 1k relief packs sa mga pupuntang Bicol

Boss Toyo, nanawagang isabay ang 1k relief packs sa mga pupuntang Bicol
Photo Courtesy: Screenshots from Boss Toyo (FB)

Nanawagan ang social media personality na si Boss Toyo sa mga pupuntang Bicol na isabay ang 1,000 relief packs sa bahay niya para maipadala sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa Facebook reels ni Boss Toyo nitong Miyerkules, Oktubre 23, ipinakita niya ang mga relief goods na nasa bahay niya.

“Kung sino man ang pupuntang Bicol, kasi ‘di ako makakapunta dahil unang-una wala tayong sasakyan ngayon para makapunta,” saad ni Boss Toyo.

“Kung sino man ang pupunta o magdo-donate doon, puwede n’yo akong daanan dito. 1,000 pieces relief goods din ‘to,” wika niya.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Pahabol pa ng social media personality: “Stay safe people.”

Matatandaang ayon sa weather update ng PAGASA nitong umaga ay nakataas sa Signal number 2 ang malaking bahagi ng Bicol Region.

MAKI-BALITA: Bagyong Kristine, bahagyang lumakas; 26 na lugar nakataas sa signal #2