October 23, 2024

Home BALITA

Angat Buhay, Kaya Natin nag-organisa ng donation drive

Angat Buhay, Kaya Natin nag-organisa ng donation drive
Photo Courtesy: Angat Buhay, Kaya Natin (FB)

Nagtulungan ang dalawang non-government organization na Angat Buhay at Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership para mag-organisa ng donation drive sa mga Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Sa Facebook post ng Angat Buhay nitong Miyerkules, Oktubre 23, makikita ang detalye kung paano maipapadala sa mga nasalanta ng bagyo ang kaukulang tulong.

“For organizations and companies interested in helping, please reach out to the following contacts:

Raffy Magno, Angat Buhay Executive Director - 0998-5968820; Jaycee Belmonte, Angat Buhay Partnerships and Linkages Manager - 0968-8724610,” saad sa caption.

PAWS, pinaalala kaligtasan ng mga hayop sa gitna ng bagyong #Kristine

Dagdag pa nila: “You can also email: [email protected] & [email protected]

Para naman sa mga nais magpadala ng cash donations, ipadala ito sa BPI account ng Kaya Natin na may account number na 3081 1173 72 at account name na “KN Movement for Good Governance and Ethical Leadership Inc.”