Suspendido na ang mga klase sa lahat ng antas gayundin ang mga pasok sa tanggapan ng gobyerno sa darating na Oktubre 31 ng 12:00 ng tanghali, para sa paggunita ng All Saints' Day at All Soul's Day, ayon mismo sa Malacañang.
Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, wala nang pasok sa nabanggit na oras at petsa para magbigay-daan sa lahat na makapaghanda para sa Undas.
"However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services," mababasa pa sa memo.
Nasa discretion naman ng mga pinuno ng mga pribadong kompanya at tanggapan ang desisyon kaugnay sa suspension ng kanilang mga trabaho.