October 21, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Who is BBGIRL?' Anthony Jennings, maglalabas ng bagong kanta

'Who is BBGIRL?' Anthony Jennings, maglalabas ng bagong kanta
Photo Courtesy: Anthony Jennings, StarPop (IG)

“Ikaw na ba ang hinahanap niyang BBGIRL? ”

Tila nasa singer era na ngayon ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings.

Sa isang Instagram post ng StarPop kamakailan, inanunsiyo nila ang detalye tungkol sa bagong kantang ilalabas ng aktor. 

“ ‘BBGIRL’ by @anthonyjenningss 10.25.24, 12MN” saad sa caption ng post.

Musika at Kanta

Jona bumirit sa ASAP na puro 'Hmm-Hmm' at 'Eh-Eh' sa lyrics, umani ng reaksiyon

Nagbahagi naman ng kani-kanilang reaksiyon ang mga netizen. May ilang minention pa ang ka-love team ni Anthony na si Maris Racal. Narito ang kanilang mga komento:

"Baby girl mariestella"

"Taray nmn ohhh singer n sin si bbboy"

"Is it AJ voice? Saying BB girl?"

"yes korea BBGirls ? Who bb girl?"

"Bb girl @mariesteller "

"wow.....sya na ba si bbgirl?"

Matatandaang matapos maiulat na hiwalay na si Maris sa singer-songwriter na si Rico Blanco ay nagsimula nang umugong ang tsikang nagkakamabutihan sila ni Anthony.

MAKI-BALITA: Umano'y cryptic reposts ng non-showbiz jowa ni Anthony Jennings, usap-usapan

Ngunit bago pa man ito ay inunahan nang pabulaanan ni Maris ang posibleng pagsulpot ng mga ganitog kuwento.

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris