October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?

Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)/Darla Sauler (IG)

Kasabay ng pagbibigay-update sa kaniyang kalusugan at love life, may isa pang pasabog si Queen of All Media Kris Aquino para sa lahat ng kaniyang fans at supporters.

Ayon kay Kris ay may inihahanda siyang show na mapanonood ng lahat bago matapos ang 2024.

Nagpasalamat si Kris sa former ABS-CBN bosses niya dahil pumayag na "mahiram" niya para sa production nito ang kaibigang si Darla Sauler, na ilang beses na ring nag-produce ng shows niya noon sa Kapamilya Network.

Sa ngayon daw, limitado lang ang puwede niyang sabihin dahil mas pinipili raw niyang magpaka-pribado ngayon.

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

"Para hindi kayo magsawang magdasal, Sabi nyo you miss watching me. I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show which will launch before 2024 ends," pagbabahagi ni Kris. 

Pero mukhang nagbigay ng hint si Krissy na isa itong "reality show" na magpapakita sa kaniyang journey habang nagpapagamot sa mga sakit, kasama ang mga tinawag niyang "extended family," o ang mga doktor na nakasama niya na maituturing na nga niyang pamilya.

Pagdating naman daw sa kaniyang usaping love life, mas minabuti na raw ni Kris na gawing pribado muna ang mga detalye. 

MAKI-BALITA: Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?

MAKI-BALITA: Kris, may bagong health updates; 'cancer free' pero may kinatatakutan pa rin