October 23, 2024

Home SHOWBIZ

'I feel you always!' Andi inalala si Jaclyn sa kaarawan nito

'I feel you always!' Andi inalala si Jaclyn sa kaarawan nito
Photo courtesy: Screenshots from Andi Eigenmann (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang pagdalaw niya sa puntod ng pumanaw na inang si Jaclyn Jose, sa kaarawan nito.

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya ang pagdadala niya ng mga bulaklak sa kinalalagakan ng mga labi ng ina. Caption ni Andi, lagi raw niyang ramdam ang presensya ng nanay sa pamamagitan ng kaniyang sariling pamilya.

"I feel you always through family," saad ni Andi.

Sa kaniyang Instagram post nagpakita siya ng throwback photo nilang mag-ina, noong bitbit pa siya nito habang siya naman ay sanggol pa lamang.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Matatandaang pumanaw ang batikang aktres noong Marso 3, dahil sa heart attack. 

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

Marso 4, humarap si Andi sa pamamagitan ng isang media conference upang kumpirmahin ang balita ng pagkamatay ng kaniyang ina. 

Nagbigay naman ng tribute si Andi sa pamamagitan ng isang maiksing tula. 

MAKI-BALITA: Andi may tribute ulit sa ina; tinalakan ng netizen, 'Sana noong buhay pa!'