Nagsalita na ang dating Pinoy Big Brother housemate at Viva actress na si Franki Russell tungkol sa pagkakaugnay niya noon sa aktor na si Enrique Gil.
Matatandaang noong Setyembre 2025 ay lumutang ang mga larawan nilang dalawa na magkasama sa isang beach sa Bohol, dahilan para intrigahin sila ng publiko.
Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Abril 14, ikinuwento ni Franki ang kuwento sa likod ng mga larawan nila ni Enrique.
“That was a group trip, actually. There was a group of us, like I had my friend there and his friends there,” lahad ni Franki.
Dagdag pa niya, “It was a funny time where we were getting to know each other, I guess. But I think we realized we’re better off as friends.”
Samantala, masaya naman daw si Franki para kay Enrique kahit hindi natuloy ang kanilang pagkakamabutihan.
"I‘m happy for him. He’s doing projects," aniya.
Sa kasalukuyan, walang karelasyon si Franki. Ngunit hindi rin naman daw siya naghahanap.
Katwiran niya, mahirap umanong makipag-date sa Manila lalo na sa panahong ito na uso ang situationship at normalisado ang pangangaliwa—mapababae man o lalaki.