Pumanaw na ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 60.

Sa Facebook post ni entertainment journalist Nelson Canlas nitong Linggo ng gabi, Marso 3, inanunsiyo niya ang tungkol dito bagama’t wala pang malinaw na detalye.

“RIP Ms Jaclyn Jose. Details to follow,” saad ni Nelson.

Pero sa Facebook live ng ABS-CBN News nitong Lunes, Marso 4, humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para magbigay ng pahayag tungkol sa nangyari sa kaniyang ina.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Isiniwalat ni Andi ang dahilan ng pagpanaw nito at nagpasalamat sa mga taong nagpaabot ng pakikiramay at panalangin. Gayundin, umapela siya sa publiko para igalang ang kanilang pagluluksa.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

Ipinanganak si Jaclyn noong Oktubre 21, 1964

Matatandaang bago siya binawian ng buhay ay ginagampanan ni Jaclyn ang karakter ni "Chief Espinas" sa patok na primetime series na "FPJ's Batang Quiapo."