October 21, 2024

Home BALITA

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Pinaos pa: Bayad ng UniTeam kay Andrew E, sinayang lang daw—Guanzon

Usap-usapan ang social media posts ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner at P3PWD party-list nominee na si Rowena Guanzon patungkol sa singer-rapper na si Andrew E, na naging performer sa mga nagdaang sorties at campaign rallies ng UniTeam.

Ang UniTeam ay partidong binuo noon nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte, na nagwagi naman sa naganap na May 2022 national elections.

Subalit sa nagaganap na "falling out" sa pagitan ng dalawa, tila sinayang lang daw ng UniTeam ang binayad nila kay Andrew E.

"Sayang bayad nyo kay Andrew E. DISUnity na ! DDS fight. BBM fight . Pero P50 pa rin ang bigas. Pastilan #p3pwdpartylist8," caption ni Guanzon sa kaniyang X post, kalakip naman ang screenshot ng kaparehong post sa kaniyang Facebook account.

National

Chinkee Tan, nagsalita sa isyung nakulong siya dahil sa crypto scam

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andrew E patungkol dito.