October 21, 2024

Home FEATURES Human-Interest

‘Nipple cover’ ng nanay na ginawang sticker ng anak sa dingding, kinaaliwan

‘Nipple cover’ ng nanay na ginawang sticker ng anak sa dingding, kinaaliwan
Photo courtesy: Cristine Jay Cañete Peje (FB)

Isang batang tinatawag na ‘Minmin’ ang kinatuwaan ng netizens nitong Miyerkules, Oktubre 16, matapos niyang gawing sticker sa dingding ng kuwarto nila ang “waterproof nipple cover” ng kaniyang ina.

Sa viral Facebook post ni Cristine Jay Peje kamakailan na may 35K reacts at 2.2K shares na sa kasalukuyan, makikitang ang isang bata sa larawan na si Minmin ay nakatingin sa dalawang magkahiwalay na “nipple cover” na nakadikit sa dingding ng kanilang kuwarto na na-aamaze ito.

Ang nasabing post na ito ay nilagyan ni Cristine ng caption na “Gagamitin ko pa naman sana sa swimming yan ” at pahabol na comment na “Naka order na ako bodysuit ei ”.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Cristine Jay Peje—ibinahagi niya ang kuwento sa nag-viral na post niya sa kaniyang anak na si “Minmin.”

Human-Interest

Pilipinang dating nakatira sa bahay-kubo, Walt Disney Legacy awardee na ngayon

Ayon kay Cristine, ang pagbabahagi niya ng kuwelang pangyayari sa social media ay hindi niya inaasahan na magiging ganito ang pagtanggap ng netizens.

Kahit nga raw napagsasabihan si Minmin na huwag gagalawin ang mga gamit ng kaniyang mommy sa working table ay tila curious pa rin ang bata sa unused “nipplecover”.

Bunyag ni Cristine na hilig talaga nitong paglaruan ang nipplecover niya at marami na nga raw itong napaglaruan na pairs ng nipplecover magmula ng malaman nito na dumidikit ito.

"Natawa ako nung nakita ko na tinitingnan niya kung pantay," aniya.

Ayon sa kaniya, hindi niya inaasahan na magiging viral ang post.

“Di ko naisip na ganun siya ka viral," sabi niya.

Bagama't may ilang posts na rin siya dati na marami ring natuwa at nagbahagi. Iba ang kuwelang hatid ng batang si Minmin na tila nagustuhan ang pagkakadikit ng nipplecover sa pader.

Hindi pa batid ni Minmin ang kasikatan niya sa social media, ayon sa kanyang ina. Bagama’t nai-feature na siya sa ilang vlogs ng ina, hindi raw alam ng bata ang tungkol sa TikTok at iba pang platforms. Ang kaniyang ama naman ay natuwa nang malaman ang viral post.

Dagdag pa ng ina, ginagawa nila ang lahat upang mapanatiling masaya at ligtas ang tahanan para kay Minmin.

"Malaya siya kumilos at maglaro sa apartment," aniya

Sinisiguro din nila na ini-involve ang bata sa mga gawain tulad ng pagluluto at paglilinis. Sa kabila ng kakulitan, lagi raw nilang pinapaalalahanan si Minmin tungkol sa mga delikadong bagay.

Sa huli, binigay na lang ni Cristine ang luma niyang nipplecover kay Minmin upang ipaglaro, ngunit pinaalalahanan din siyang huwag nang pakialaman ang bago. Sa simpleng kuwentong ito, marami ang natuwa at nagbigay ng ngiti sa mga netizens.

Narito ang ilang nakatutuwang komento ng netizens na nakarelate sa kuwelang pangyayari.

“Hahahaha. Yung sakin ginagawa nilang patch sa mata hhaahahaha.”

“HAHAHAHAHA ganyan din akin sissy kinakabit nya sa tumbler amaze na amaze sa pagdikit”

“Ginawang sticker”

“Ganda ng laruin ni minmin ah”

Mariah Ang