October 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Lovi Poe, magbabalik nga ba sa 'Batang Quiapo?'

Lovi Poe, magbabalik nga ba sa 'Batang Quiapo?'
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Dreamscape Entertainment (IG)

Nausisa si “Supreme Actress” Lovi Poe tungkol sa posibleng pagbabalik niya bilang “Mokang” sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, nagbigay si Lovi ng hindi tiyak na sagot sapagkat mahaba pa raw ang pagdadaanan ng nasabing serye.

“You’ll never know,” saad ni Lovi. “I’m sure mahaba-haba pa ‘yong pagdadaanan ng ‘Batang Quiapo.’ At ilang taon pa silang tatakbo.”

“You’ll never know what’s gonna happen in the future kung babalik si Mokang as twin sister,” natatawang wika niya.

Teleserye

Ashley Ortega, nagpasalamat sa mga papuri bilang 'comfort woman' sa serye

Dagdag pa ng aktres: “Malay mo. This whole time, may pina-adopt pala si Don Marsing at saka si nanay.”

“‘Wag kang magpapaasa, ha,” paalala naman ni Ogie.

Magsimula raw kasi nang mawala ang karakter ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi na si “Bubbles” ay hinanap daw ng mga manonood ang presensya ni Mokang.

Matatandaang naging usap-usapan na kaya raw namaalam ang karakter ni Mokang sa “Batang Quiapo” ay dahil nagdadalang-tao ang aktres.

MAKI-BALITA: Dahilan ng pagtsugi kay Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’, isiniwalat

Ngunit nilinaw ni Lovi sa parehong panayam kay Ogie na may mga ibang proyekto raw siya na kailangang gawin. In fact, mapapanood na sa mga sinehan sa bansa ang kaniyang bagong pelikulang “Guilty Pleasure.”

“Ang dami kong kailangang gawin na ibang projects na gusto kong i-achieve din. And also, siyempre, may asawa na rin ako. Ang dami kong role na kailangang gampanan bilang si Lovi,” aniya.

Nag-iwan naman si Lovi ng isang madamdaming mensahe sa pamamagitan ng Instagram post nang umexit siya sa serye.

MAKI-BALITA: Lovi Poe may mensahe kay 'Tanggol,' Coco Martin