October 18, 2024

Home FEATURES BALITAkutan

Mga aktibidad sa halloween, nagpaparamdam na!

Mga aktibidad sa halloween, nagpaparamdam na!
Photo courtesy: McKinley Hill (FB), Newport World Resorts (website), Pinoy Fitness (website), Mystery Manila (website), Robinson Las Pinas (FB)

Unti-unti na ngang nagpaparamdam ang halloween vibes dahil sa pagsulpot ng iba’t ibang mga pakulo upang mas buhayin ang katatakutan ngayong papalapit na muli ang Undas. 

Kaya naman kung naghahanap ka ng ilang “scary, yet funny” activities, para sa iyong mga chikiting, jowa o barkada, baka para sa iyo ang mga events na ‘to!

Robinsons Las Piñas (Octubre 19-31, 2024)

Kung competitive naman ang iyong mga chikiting, tamang-tama ang halloween costume contest ng Robinson Las Pinas! Bukas ito para sa edad 3 to 11 anyos. Naglalaro mula ₱2,000 hanggang ₱4,000 ang papremyo ng nasabing contest.

BALITAkutan

BALITAkutan: 5 katatakutang urban legend na patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon

Okada (Oktubre 26 - Nobyembre 3, 2024)

Iba’t ibang Halloween adventure naman ang handog ng Okada mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 3, 2024. Kabilang sa ilang dapat umanong abangan ay ang spooky themed cocktail party, halloween parades at ang kanilang Neon Full Moon Party. 

McKinley Hill (Oktubre 12-27, 2024)

Hindi nga lang limitado para sa mga bata ang halloween craze sa Mckinley Hills, dahil pati ang mga “young at heart” ay siguradong mag-eenjoy din sa iba’t ibang programang inilatag nila. Pet friendly nga rin ang halloween party dito, kaya pati ang inyong mga pets ay puwedeng-puwede niyo rin bihisan ng costumes! 

Halloween fun run (Oktubre 26, 2024)

Kung fun run with a twist naman ang hanap mo ngayong halloween season, tiyak na hindi mo gugustuhin na palampasin ito. Dress like a monster, a hero or a villain ang eksena sa fun run na ito na may kategoryang bukas sa 1km hanggang 10km para sa mga runners. Para sa mga nagnanais na pawisan ngayong panahon na naman na katatakutan, maaaring bisitahin ang official page ng PInoy Fitness.

Mystery Manila (Intramuros escape room)

Hahamunin naman ng Mystery Manila ang talas ng iyong isip at lakas ng loob sa pagsabak mo sa kanilang kakaibang escape room. Dinala nila ang escape room adventure nila sa makasaysayan at tila isa sa most haunted place sa Maynila, ang Intramuros. Tinatayang nasa 50 minuto ang itatagal upang matapos ang quest dito.

Newport Manila (Oktubre 27, 2024)

“Gods and Monsters” naman daw ang adventure na ihahain ng Newport Manila para sa mga nagnanais maki-trick or treat sa kanila. Highlight din umano ng nasabing event ang magic shows, trick-or-treat adventures at ang “bewitching” lineup daw ng mga activities. 

Kaya naman kung bakante pa ang to do list mo ngayong halloween season, ito na ang sign mong manakot, maki-party at bumalik sa pagkabata!

-Kate Garcia