December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Kathryn, naniniwala sa second chances: 'Lahat tayo tao lang'

Kathryn, naniniwala sa second chances: 'Lahat tayo tao lang'
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Nagbigay ng sariling pananaw si Outstanding Asian Star star Kathryn Bernardo tungkol sa konsepto ng second chances.

Sa ginanap na press conference ng “Hello, Love, Again” nitong Huwebes, Oktubre 17, sinabi ni Kathryn na lahat daw ng tao ay naghahangad ng pangalawang pagkakataon.

"We all hope for a second chance, definitely. Lahat tayo tao lang, human beings. Even ako sa sarili ko, alam ko na magkakamali at magkakamali ako. Makaka-disappoint ako ng tao whether it's intentional or unintentional,” saad ni Kathryn.

“Ako, personally, I'd do anything to be given that second chance, that opportunity to correct my wrongdoings, to rebuild relationships, I guess, and maybe to regain trust,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Ngunit nirerespeto naman daw ng aktres kung paano tinitingnan ng ibang tao ang second chances dahil iba-iba naman ang bawat isa.

Aniya, “Some people can give a second chance like Tisoy [Alden Richards], some can give multiple chances, and some won't and that's okay and we have to respect that kasi iba-iba naman tayong tao.”

Kaya naman para sa kaniya ang second chances ay hindi isang obligasyon.

“It's a choice and it's a gift,” sabi niya.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagbigay ng pahayag si Kathryn tungkol sa second chances. 

Ilang buwan matapos maiulat ang hiwalayan nila noong Nobyembre 2023 ng long-time partner niyang si Daniel Padilla ay muling binalikan ng mga netizen ang lumang panayam ni Kathryn sa “Umagang Kay Ganda” hinggil sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon.

MAKI-BALITA: Sey ni Kathryn sa second chance, binalikan; Deej, di napagbigyan?