Nagkita at nagkamayan sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Vice President Leni Robredo sa gitna ng inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena nitong Huwebes, Oktubre 17.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, inimbitahan ni Senate President Chiz Escudero si Robredo sa nasabing inagurasyon para katawanin ang Bicol sa pag-welcome kay Marcos.
"I invited her to welcome the President in behalf of Bicol," saad ni Escudero na inulat ng Manila Bulletin.
Kasama rin ni Robredo sa inagurasyon ang kaniyang dating campaign manager na si dating Senador Bam Aquino.
Matatandaang naging magkalaban sina Marcos at Robredo sa puwesto ng pagkapangulo noong 2022 national elections.