October 16, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto

JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto
Photo Courtesy: JK Labajo, Darren Espanto (FB)

Tila bukas daw sa posibilidad ng pakikipag-collab si JK Labajo sa kapuwa niya “The Voice Kids” contestant noon na si Darren Espanto.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Oktubre 16, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang naging tugon ni JK nang tanungin siya tungkol dito sa isang press conference para sa kaniyang major solo concert.

“Maraming tanong sa kaniya tungkol kay Darren Espanto na noong mga bata pa sila e nagkaroon naman talaga ng disgusto, ‘di ba?” saad ni Cristy.

Matatandaang noong 2018 ay lumutang ang mga serye ng tweet ng dalawa dahil umano sa tweet na “gayness at its finest” ni JK na naka-tag kay Darren.

Musika at Kanta

SB19, Sarah Geronimo sanib-pwersa sa bagong proyekto!

Pinabulaanan naman ni JK na siya ang nasa likod ng nasabing tweet.

“Pero alam mo,” tsika ni Cristy, “ang ganda-ganda ng puso nitong si JK Labajo, ‘no. Ayaw niyang pag-usapan na ‘yon. Ayaw na niyang balikan.” 

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Ang sabi niya [ni JK], ‘kahit kanino naman ‘wag na tayong magbanggit ng pangalan,’ handa siyang makipag-collab.”

Nakatakdang mangyari ang major solo concert ni JK sa darating na Nobyembre 29 sa SM Mall of Asia Arena.

MAKI-BALITA: Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola