May 22, 2026

Home BALITA

Tri-cab driver, nag-amok sa modern jeep na nilipatan ng pasaherong siningil niya ng mahal!

Tri-cab driver, nag-amok sa modern jeep na nilipatan ng pasaherong siningil niya ng mahal!
Photo courtesy: Contributed photo

Usap-usapan sa social media ang video ng isang tri-cab driver matapos umano nitong saktan ang driver ng isang modern jeepney at ilan pang pasahero sa Cagayan de Oro City.

Sa kuha ng video, makikitang sumakay ang suspek sa modern jeep at sinuntok ang isang lalaki na nasa may pintuan ng sasakyan. Maya-maya pa ay sinipa rin nito ang driver ng jeep dahilan upang mapreno nang biglaan ang sasakyan.

Agad namang umawat ang ilang pasahero upang mapigilan ang lalaki, ngunit patuloy umano itong nakipagtalo sa driver ng jeepney. 

Isang babaeng pasahero rin ang umano’y sinipa ng suspek habang sinusubukan siyang pakalmahin.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-ugat umano ang insidente matapos lumipat ng sasakyan ang pasahero ng tri-cab at sumakay sa modern jeepney.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Lumabas din sa imbestigasyon na mas mataas umano ang sinisingil ng tri-cab driver kumpara sa minimum fare ng modern jeepney. Ayon sa mga awtoridad ₱50 ang sinisingil ng suspek mula sa kaniyang pasahero habang ₱16 lamang ang singil ng modern jeep—dahilan upang lumipat ang kaniya.

Sa kasalukuyan, natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na posibleng maharap sa reklamong serious physical injuries at iba pang kaukulang kaso.