October 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa

'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Nagbigay na ng tugon sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards tungkol sa madalas na usisa ng madla sa closeness nilang dalawa.

Sa latest episode ng “On Cue” nitong Lunes, Oktubre 14, sinabi ni Kathryn na malaki raw ang nagbago sa samahan nila ni Alden mula noong “Hello, Love, Goodbye” hanggang ngayon sa “Hello, Love, Again.”

“I think safe to say na compare to ‘Hello, Love, Goodbye’ and to ‘Hello, Love, Again’ parang medyo malaki ang naging change no’n,” saad ni Kathryn.

“Kasi first, iba ‘yong naging set-up din sa working environment. And then iba rin naman kung paano kami ngayon. Na mas nakilala ko na siya over the years,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Nakapunta na raw sa bahay: Alden, nagsalita na kung nililigawan si Kathryn!

Dagdag pa ng aktres: “So if we’re talking about comfortability, parang nando’n kami sa stage na very comfortable na you can talk about anything.”

Tila ganito rin ang naging sagot ni Alden sa naturang tanong dahil sa una nilang pelikula ay wala raw silang pagkakataong magkausap ni Kathryn kung paano sila nagkakausap ngayon.

Aniya, “Ngayon lang talaga namin nakilala ‘yong isa’t isa. Kasi before ‘HLG’ [Hello, Love, Goodbye], parang wala namang ganitong chance to really talk to each other…mas comfortable nga and familiar like what I’ve said.”

Kaya naman dahil dito—ayon pa kay Alden—ay nagagawa nilang mas maging epektibo ang sequel ng pelikula kumpara noong una.

Mapapanood na ang “Hello, Love, Again” simula Nobyembre 13 sa mga sinehan nationwide.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan