October 15, 2024

Home FEATURES

Makeup artist sa CDO, nasawi nang atakihin sa puso habang rumarampa sa stage

Makeup artist sa CDO, nasawi nang atakihin sa puso habang rumarampa sa stage
(Courtesy: GMA Regional TV One Mindanao's report/screengrab)

Nasawi ang isang makeup artist sa Cagayan de Oro matapos siyang atakihin sa puso habang rumarampa sa entablado sa gitna ng isang benefit fashion show.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, makikita ang video kung saan confident na rumampa sa entablado sa isang mall sa CDO ang miyembro ng LGBTQIA+ community na si Randolph "Randy" Santos.

Ngunit pagtalikod niya sa audience upang um-exit na sana, doon na natumba si Santos habang hinahawakan ang kaniyang ulo.

Dinala naman daw agad sa ospital ang makeup artist ngunit agad din siyang binawian ng buhay makalipas ang ilang mga oras. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Dagdag ng ulat, nagkaroon umano ng heart attack si Santos at ito ang dahilan ng kaniyang pagpanaw.

Sinabi naman ng pamilya ni Santos na nagme-maintenance na siya para sa puso, at bilang isa ring event organizer ay sunod-sunod daw ang events niya sa fashion shows bago ang nasabing insidente.