December 23, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

KZ Tandingan, natakot gawin duet version ng 'Palagi' kasama si TJ Monterde

KZ Tandingan, natakot gawin duet version ng 'Palagi' kasama si TJ Monterde
Photo Courtesy: TJ Monterde (IG)

Ibinahagi ng singer na si TJ Monterde ang kuwento sa likod ng duet version ng “Palagi” kasama ang asawa niyang si “Soul Supreme” KZ Tandingan.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Oktubre 14, sinabi ni TJ na natakot daw si KZ na gawin ang nasabing duet version.

“Natatakot siya no’ng una. Feeling niya ‘yong ‘Palagi’ na original, love na siya ng mga tao. There was pressure on her, na baka hindi magustuhan ng iba,” saad ni TJ.

Dagdag pa ng singer: “But it turned out na nagustuhan naman siya and now it’s an OST of ‘Hello Love Again.’”

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Paliwanag naman ni KZ: “‘Yong ‘Palagi’ kasi well-loved na siya. Mayro’n siyang fans na sobrang purist na gustong gusto nila ‘yong original lang.” 

“I was hesitant kasi I was scared na baka it might turn out to be a version na sabihin nilang ‘we didn’t need this version,’” dugtong pa niya.

Pero sa huli, tinulungan daw ni TJ ang asawa na ma-overcome ang nararamdamang takot nang sabihin niyang wala siyang ibang puwedeng maka-duet kundi si KZ lamang.

“TJ was very reassuring and told me na, the only reason why walang puwedeng ibang makipag-duet sa akin sa ‘Palagi’, kasi ikaw si ‘Palagi,’” lahad ni KZ.

Sa kasalukuyan, may 145 million streams na ang original version ng ‘Palagi’ sa Spotify samantalang ang duet version naman ay umabot na sa 24 million.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan