October 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kirk Bondad, hinard launch si Lou Yanong; magkarelasyon na?

Kirk Bondad, hinard launch si Lou Yanong; magkarelasyon na?
Photo courtesy: Screenshots from Kirk Bondad (IG)

Usap-usapan ang Instagram posts ni Kirk Bondad, ang nakababatang kapatid ng model at ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad, kasama ang dating Pinoy Big Brother – Otso (PBB-8) third big winner na si Lou Yanong, habang nagbabakasyon sa Palawan.

Si Kirk, na reigning Mister World Philippines, ay lalaban sa international competition nito sa darating na Nobyembre 23.

Si Lou naman, na pinasok na rin ang pag-aartista matapos ang PBB stint, ay ex-girlfriend ng kapwa PBB housemate na si Andre Brouillette, ngunit naghiwalay sila noong 2021.

Sa isang video kung saan makikitang nagja-jogging sila together ay makikitang hinalikan ni Kirk sa pisngi si Lou, bagay na isang hint para masabing may espesyal na relasyon ang dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'

Marami tuloy ang nagsasabi kay Lou na iba raw talaga ang gandang "Pinay morena" dahil mga half-Pinoy ang naaakit sa kaniyang taglay na kagandahan.