October 23, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Aktor, sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa syndicated estafa?

Aktor, sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa syndicated estafa?
Photo Courtesy: Freepik, Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Isa na naman umanong aktor ang sinilbihan ng warrant of arrest dahil daw sa kinakaharap na kasong syndicated estafa ayon kay showbiz insider Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Oktubre 15, pinag-iingat ni Ogie ang nasabing aktor na may nagpadala umano sa kaniya ng kopya ng warrant of arrest para sa nasabing aktor.

“Sana mag-ingat siya o harapin na lang niya ito. Kasi alam mo nangangayat daw ‘yong aktor sa ibang bansa. Siguro kakaisip na rin. Sana malampasan ito ng aktor,” saad ni Ogie.

Segunda naman ng co-host niyang si Mama Loi: “Wala naman talagang way, Nay, kundi harapin ‘yan, e.”

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Exactly,” sang-ayon ni Ogie. “Kasi ‘pag tinalikuran mo, ‘andyan pa rin siya. Pero ‘pag hinarap mo…nasa step 1 ka na. [...] Inaasikaso mo na, inaayos mo na.”

“At baka pwede siyang humingi ng palugit mula sa mga investor na sana, una, ‘patawarin n’yo ako.’ Pangalawa, ‘gagawan ko po ng paraan. Pagtatrabahuhan ko. Uunti-untiin ko kayong bayaran,’” dugtong pa niya. 

Sa huli, hiniling ni Ogie na sana ay mabunutan daw ng tinik sa dibdib ang aktor na hindi na niya pinangalanan pa.