November 05, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!
Photo courtesy: Travel Tayo PH (FB), Lakwatsero Caviteño (FB), Lakeshore Philippines FB), Where In Pampanga (FB), ABS-CBN NEWS (FB)

Itinotodo na ng ilang bayan ang tradisyunal na mahabang selebrasyon ng Paskong Pinoy.

Isa-isa na kasing naglalabasan ang mga magagarbong Christmas village sa iba’t ibang bayan sa bansa.

Kaya naman, kung gusto mong maranasan ang maagang Christmas vibes, narito ang ilang engrandeng Christmas villages na budget friendly at maagang nagbukas sa publiko.

Baguio Christmas Village

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Tila “white Christmas” ang atake ng dinarayo ngayong Christmas Village sa City of Pines. Isang mala-snow world kasi ang sasalubong sa mga nagnanais na makabisita rito kung saan bida rin ang pagtatanghal ng “Panunuluyan.”

Puno rin ito ng selfie-spots kagaya na lamang ng facade, lighthouse at giant christmas tree. May iba’t ibang tindahan din sa loob nito kaya naman tila “kumpletos rekados” na ang nasabing pasyalan.

Cavite City Christmas Village

Binuksan na rin sa publiko ng Cavite City ang pangmalakasan nilang Christmas village kung saan tila pinagsama-sama nila ang saya dahil pati carnaval at food park ay nasa loob na rin nito. Mas pinagarbo rin ang Instagrammable spots sa nasabing village, dahil sa overlooking view nito sa dagat ng Cavite City. Tampok dito ang mga higanteng pailaw at ilang rides and prize machine na talaga namang kagigiliwan ng mga chikiting!

San Fernando, Pampanga Christmas Village

Hindi naman magpapahuli ang bayan ng San Fernando, Pampanga sa kanilang “Frozen Dreamland,” tampok ang malapalasyong facade na bubungad sa mga bisita. Tila, mini Disney Land nga rin ang atake ng nasabing lugar dahil sa hitik na hitik nitong mga cartoon characters at snow world. Mayroon na rin itong mga kainan sa loob na tamang-tama sa laki ng lugar. Hindi nga rin tinipid ng “Frozen Dreamland” ang kanilang atraksyon, dahil kahit saang lugar ka tumingin ay may mga pailaw na sasalubong sa iyo.

Mexico, Pampanga

Maaga rin ang kapaskuhan sa Mexico, Pampanga kung saan hindi lang mga palamuti at mga ilaw ang kanilang itinatampok, hatid din nito ang ilang rides at mga booths na puwedeng subukan ng mga namamasyal dito. Puno rin ang lugar ng mga naggagandahang parol at ilang higanteng mga imahe.

Pola, Oriental Mindoro

Nagliwanag naman ang bayan ng Pola sa Oriental Mindoro nang pailawan na rin ang tinawag nilang “Winter Village” sa kanilang lugar. Ang ilang bahay na malapit sa nasabing lugar ay pininturahan na rin ng puti upang magswak sa kanilang tema. Hindi rin nagpahuli ang kanilang artificial snow na siya ring dinadayo ng ilang namamasyal mula sa iba’t ibang karatig na lugar.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga lugar na nauna nang itampok ang Christmas spirits.

Ikaw, saang Christmas village ang trip mong puntahan?

Kate Garcia