November 24, 2024

Home BALITA National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo, Oktubre 13, dahil sa epekto ng shear line at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng umaga, malaki ang tsansang magdudulot ang shear line, o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin, ng mataas na tsansa ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.

Inaasahan din namang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

National

Anumang banta sa buhay ng pangulo, isang usapin ng ‘national security’ – Año

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Bicol Region at mga natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tsansa ng isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Maaari rin magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o laban sa Philippine area of responsibility (PAR).