Viral sa social media ang isang 18-anyos na lalaking nanawagan sa publiko para matulungan siyang mahanap ang biological parents na mahabang panahong nawalay sa kaniya.
Kuwento sa Facebook post ni Ranier L. Angeles na umani ng 2.2K reactions at 7.5K shares noong Oktubre 7—siya’y natagpuan ng mga awtoridad noong Hunyo 24, 2012, sa West Grace Park Avenue, Caloocan, at mula noon ay nanirahan sa Sarnelli Center for Street Children at iba’t ibang ampunan sa ilalim ng pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Angeles—- nananatiling palaisipan sa kaniya ang kaniyang tunay na pagkatao. Ang pangalan niya ay ibinigay lamang ng social worker, at ang tanging alaala niya sa kaniyang nakaraan ay isang larawan mula sa unang araw ng kaniyang pagkakahiwalay sa pamilya—isang litratong kuha ng DSWD.
Si Angeles ay natagpuan ng mga barangay sa West Grace Park Avenue, Caloocan noong Hunyo 24, 2012, at mula noon ay nanirahan sa Sarnelli Center for Street Children at iba pang ampunan sa ilalim ng pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ilang beses niyang sinubukang hanapin ang kaniyang mga magulang ngunit nabigo ng ilang beses. Subalit tila nagbago na ang kaniyang kapalaran matapos makarating ang kaniyang post sa maraming netizens. Ngayon ay natulungan siyang mahanap ang kaniyang hinahanap na pamilya.
Matapos ang 12 taong paghihintay at panalangin, nahanap na ni Reniel Angeles, 18, ang kaniyang biological parents at pamilya.
Mismong si Angeles ang nagbahagi ng magandang balita sa social media, nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nag-share ng kaniyang kuwento.
"Salamat po sa lahat ng tumulong at sa nag-share at nag-comment sa post ko, maraming salamat po sa inyo ng sobra," wika ni Angeles sa comment section mismo ng kaniyang post.
Sa kaniyang tagumpay na muling makapiling ang pamilya, ipinahayag ni Angeles ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanyang kasintahan, at sa mga magulang nito.
"Thanks Papa God, dahil pag Ikaw talaga ang kumilos, walang imposible. Salamat din sa gf ko dahil pinush niya ako at pinalakas ang loob ko para mahanap ang family ko. At kay mama Ailyn Delos Santos at sa asawa niya, salamat po sa paghatid at pagsama sa akin papunta kila mama," dagdag niya.
Mariah Ang