November 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

79-anyos na lolang kumakayod para sa 7 anak at 4 na apo, kinaantigan

79-anyos na lolang kumakayod para sa 7 anak at 4 na apo, kinaantigan

Bumuhos ang tulong para sa 79-anyos na lolang nagsisilbing breadwinner pa rin sa kaniyang pitong anak at apat na apo, matapos mapag-alaman ang kaniyang kuwento sa pamamagitan ng college instructor na si Reyan Bantolo Ballaso.

Sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 4, nakapanayam ng guro si "Nanay Milagros" dahil sa community extension services sa pinagtuturuang paaralan, ang Bacolod City College.

Nagulat umano ang instructor nang mapag-alamang si Nanay Milagros pa rin ang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya, at ang kinikita niya sa isang araw ay nasa ₱150 lamang. Naglalakad lamang daw ang ginang bitbit ang kaniyang mga panindang gulay patungo sa palengke.

"Nanay Milagros, at 79, is the pillar supporting her seven children and four grandchildren, shouldering their daily expenses. Yes, at 79!!" mababasa sa post ng guro.

Human-Interest

Netizen nagtataka sa ibang babae: 'Bakit mga mukhang tulingan ang may asawa?'

"Every day, Nanay Milagros walks kilometers from her home to the market, and back, buying and selling vegetables. Despite her hard work, the most she earns is just 150 pesos a day."

Pag-amin daw ng ginang, pagod na pagod na raw siya sa kaniyang pagtatrabaho. Ang mga anak daw niya ay walang regular o stable na trabaho. Kaya naman, nanawagan ng tulong ang college instructor para na lamang sa mga apo ni Nanay Milagros para makapagpatuloy ng pag-aaral.

"With tears in her eyes, she confided in me that she’s exhausted. We can ease her burden by finding someone to help cover her grandchild’s school transportation costs. I assured her I will find someone who will help support for her grandchild’s education. I haven't found anyone yet, but if you'd like to help her directly, feel free to message me."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ballaso, sinabi niyang marami ang nagpaabot ng tulong para kay Nanay Milagros. Isa raw sa mga anak ng ginang ay may tinatawag na "post partum depression."

"Her children do not have stable jobs lang po talaga pa-extra-extra lang. She has a daughter na nagka-post partum depression and hindi na stable mentally and ang anak n'ya ang gusto kong tulungan," saad ni Ballaso.

Batay sa ilang updates ng guro makalipas ang ilang araw matapos ang panayam, mukhang nakalikom na siya ng higit ₱12k mula sa concern netizens na nabagbag ang damdamin sa kalagayan ni Nanay Milagros.

May tutulong na rin daw sa pamasahe ng mga apo nito para makapagpatuloy sa pag-aaral. Bukod dito, may magbibigay rin ng pamuhunan sa kaniya para makapagsimula ng tindahan.

"I’ve secured a benefactor to cover Nanay Milagros' grandchild's monthly fare. Additionally, I've received pledges to provide financial assistance to Nanay Milagros, which could potentially be used to start a small sari-sari store for her," saad ni Ballaso sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 5.

"What we still need is someone to help with her grandchild's daily lunch at school. It would be 50 pesos a day, 250 pesos a week, totaling 1,000 pesos per month."

"Thank you all for your support. This is the power of working together—it brings a little bit of heaven down to Earth," saad pa niya.

Sa mga nais magpaabot ng tulong para kay Nanay Milagros, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ni Reyan Bantolo Ballaso.