October 10, 2024

Home BALITA

Pagtakbong konsehal ni Aljur Abrenica, 'give back' sa mga taga-Angeles City

Pagtakbong konsehal ni Aljur Abrenica, 'give back' sa mga taga-Angeles City
Photo courtesy: via PEP/Aljur Abrenica (IG)

Panahon na raw para mag-give back ang aktor na si Aljur Abrenica sa mga taga-Angeles City sa Pampanga kaya siya ay tumatakbo bilang konsehal.

Saad niya sa isang panayam, malaki raw ang suportang natanggap niya mula sa mga taga-Angeles kaya't nararapat lamang na suklian niya ito ng tapat na pagseserbisyo.

Naniniwala rin si Aljur na kahit daw isa siyang artista ay qualified naman siya sa nabanggit na posisyon.

"Panahon na para mag-give back ako para sa mga kababayan natin," pahayag umano ni Aljur sa panayam ng media matapos ang kaniyang filing.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'