October 07, 2024

Home BALITA

Nora Aunor, second nominee ng People's Champ party-list: 'Gusto ko makatulong!'

Nora Aunor, second nominee ng People's Champ party-list: 'Gusto ko makatulong!'

Tatakbo para sa Kongreso si Superstar Nora Aunor bilang second nominee ng People’s Champ Party-list upang mas makatulong umano sa mahihirap sa bansa.

Inihain ng People’s Champ Party-list ang kanilang Certificate of Nomination-Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) ngayong Lunes, Oktubre 7, sa The Manila Hotel Tent City.

Naging emosyunal naman si Ate Guy nang magbigay ng kaniyang kaunting speech matapos ang filing.

"Hindi ko po inisip na mapunta ako rito, na magsasalita ako sa harapan ninyo, pero sa kagustuhan ko po na makatulong po sa ating mga kababayan, makatulong po sa mga kasamahan ko sa industriya... kaya po ako naglakas-loob... talagang gusto kong makatulong para sa lahat," ani Nora.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Natanong naman si Ate Guy na kung sakaling manalo ang kanilang party-list ay ano ang kanilang mga balak na gawin.

"Para sa industriya po ng pelikulang Pilipino, sa mga kasamahan ko na mga artista, mga maliliit na mga nagtatrabaho sa industriya ng pelikulang Pilipino, sa musika, at siyempre po lalong-lalo na sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong, 'yong mga mahihirap po," aniya.

Dagdag pa niya, tinanggap niya ang pagiging second nominee dahil matagal na raw niyang pangarap na makatulong sa mga kababayang nangangailangan nito.