October 06, 2024

Home FEATURES Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India
Photo courtesy: Screenshot from Times of India (FB)

Isang ina mula sa India ang kinabiliban dahil sa buong tapang niyang pagharap sa umano’y tatlong kawatan na tangkang pasukin ang kanilang tahanan.

Ayon sa video na ibinahagi ng “The Times of India” na hawak ng pulisya, makikita ang umano’y tatlong suspek na umaakyat sa bakod ng bahay ng nabanggit na ginang.

Ayon sa imbestigasyon, nasa trabaho ang mister ng ginang at wala ito sa kanilang tahanan nang mangyari ang insidente. Kasama lamang ng ginang ang kaniyang dalawang anak sa bahay. Habang nagsasampay ng damit sa itaas ng bahay, napansin ng ginang ang pag-akyat ng mga kawatan kaya't agad siyang bumaba at ni-lock ang pinto upang hindi sila makapasok.

Makikita pa sa video ang ginang na buong lakas na tinutulak ang pinto habang pilit itong binubuksan ng mga kawatan. Sa huli, matagumpay niyang nailock ang pinto at itinulak ang sofa bilang harang. Agad siyang tumawag sa pulisya.

Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

Samantala, nadinig ng mga kapitbahay ang kaguluhan at agad na tinawagan ang mister ng ginang. Napilitang tumakas ang mga kawatan at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente gamit ang CCTV footage upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

Mariah Ang