December 22, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Just got home!' James Reid balik-Kapamilya, na-grand welcome sa ASAP

'Just got home!' James Reid balik-Kapamilya, na-grand welcome sa ASAP

Ganap na ganap na nga ang pagbabalik-Kapamilya ng singer-actor na si James Reid matapos siyang i-grand welcome sa musical variety show na "ASAP," Linggo, Oktubre 6.

Isang performance ang ipinakita ni James sa Kapamilya viewers, na mainit namang sinalubong ng ASAP hosts.

ASAPOFFICIAL - GRAND KAPAMILYA HOMECOMING of one and only JAMES... | Facebook

Sa kaniyang social media posts, ibinahagi ni James ang ilang mga larawan mula sa kaniyang comeback.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

"Just got home," simpleng caption ni James.

James Reid - Just got home :) TYSM ASAP see you next week!... | Facebook

Matatandaang sa naging panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa vlog, sinabi ni James na marami siyang collab sa ABS-CBN na minsan na rin niyang naging home network.

Ang huling proyektong ginawa ni James sa Kapamilya Network ay nang maging hurado siya sa season 1 ng "Idol Philippines" kasama sina Regine Velasquez-Alcasid, Moira Dela Torre, at Vice Ganda.

Sa ABS-CBN din siya nagkaroon ng unang serye, ang "On The Wings of Love" katambal pa noon si Nadine Lustre, hindi pa buwag ang JaDine. Sinundan pa ito ng isa pang serye na "Till I Met You."

Pero bago ang mga ito, naging "Pinoy Big Brother" housemate muna si James noong 2010 ka-batch ang ngayo'y It's Showtime host na si Ryan Bang.