October 06, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens
Photo Courtesy: Screenshots from Sef TV (FB)

Isang makabagong imbensyon ang nagpakitang gilas sa karagatan ng Leyte matapos matagumpay na sumailalim sa test drive ang isang stainless jeep na kayang maglayag sa tubig.

Sa Facebook reel ng content creator na si Sef TV, makikita ang isang jeep na orihinal na ginawa para sa kalsada, subalit sinubukang ilayag sa dagat, sa baybayin ng Isabel, Leyte noong Setyembre 23.

Pinangunahan ni Marlon Villanueva, isang mekaniko mula sa Masbate, ang pagtanggal ng transmission at iba pang piyesa ng lumang jeep upang mapalitan ng mga bahaging kayang lumutang. Ang nasabing sasakyan ay nilagyan ng pampalutang sa ilalim na karaniwang ginagamit sa mga pump boat.

Sinubukan muna ang jeep sa San Joaquin, Palo, Leyte bago ito tuluyang ini-launch sa mas malalim na tubig sa bayan ng Isabel, kung saan napatunayan ang kakayahan nitong lumutang at umusad sa dagat. Ayon sa mga lumikha ng sasakyan, susubukan din nilang itawid ang jeep sa Camotes Island kapag bumuti na ang lagay ng panahon.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Ang kakaibang jeep na ito ay nagpapakita ng potensyal para sa mga komunidad sa baybaying dagat, kung saan maaaring gamitin ito bilang alternatibong transportasyon sa mga lugar na nahihirapan sa pagtawid sa mga isla.

Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang komento ukol dito:

“andaming potential ang mga kababayan nating pilipino, pero dahil sa kakapusan at hirap ng buhay na dapat ay tinutulungan ng ating mga gobyerno andaming developement ngunit dahil sa systema ng ating bansa hindi sila natutukan.

Salute sayo sir sana mas dumami pa ang mga katulad mo.”

“Pag maalon Hindi n uubra Yan...Hindi Yan tatagal..just for fun ok Yan.pero Hindi safe yan”

“May lumilipad na hover board Meron ding lumalangoy na jeep iba talaga pag Pinoy.”

“Wow ikaw ang nauna kabayan nkgawa ng ganyan wala talagang katiig jeep na jeep ang talaga. Napaka astig ng gumawa neto you must be proud of kabayan. Salamat”

“Dapat marine paints for metal ang ginamit diyan para hindi kalawangin yung mga bakal niyan. Nice idea din yan para puwedeng pumunta sa ibang isla.”

“First time taga lawis STO NINO ISABEL LEYTE NKA imbento ug jeep nga midagan sa dagat good job ARJAY BACOR”

Sa ngayon ang nasabing FB reel ay may 241K reactions, 7.5K comments, 3.1K shares at 10M views.

Maria Ang