October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’
Photo courtesy: via Sam Concepcion (IG)

“Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong- daddy?” Iyan ang biro ngayon ng netizens mula sa awitin noon ng singer at aktor na si Sam Concepcion, na ngayo’y ikinakapit na sa kaniya dahil sa amazing transformation!

Nagkalat ngayon sa social media ang ilang mga larawan ni Sam mula sa kaniyang pagganap sa musical play na “Once on this Island A Musical,” matapos mapuna ng netizens ang matipuno niyang katawan.

Ilang larawan din ang inilabas ng ilang netizens mula sa animo’y Sam version noon, sa Sam version daw ngayon. Kaya naman ang sambit ng netizens? “Dararat-da-Daddy,” sa halip na “Dati,” mula sa noo’y sikat na awitin ng aktor.

“So, he got everything in life.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“My favorite since little big star!”

“Incredible Hulk Sam”

“Ibang-iba na talaga siya.”

“Look at the body, and then smile.”

“Grabe! Ang payat niya lang dati, lumaki na pala katawan niya.”

Umani na ng 2.5 million views ang naturang larawan ni Sam sa X na mayroong 18k likes at 1.9k quote tweets.

Makikita naman mismo sa Instagram posts ni Sam ang mga nabanggit na larawan. 

Mapapanood din si Sam sa “Once More Chance The Musical,” kung saan siya ang gumaganap sa sikat na character ni Popoy. Mapapanood ang nasabing show hanggang Oktubre 27, 2024 sa opisyal na theater center ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa New Manila, Quezon City.

Kate Garcia