October 01, 2024

Home BALITA

Rosmar, tatakbong konsehal sa Maynila: 'May nag-push po sa akin...'

Rosmar, tatakbong konsehal sa Maynila: 'May nag-push po sa akin...'
Photo courtesy: Screenshot from One PH (FB)

Naispatang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-konsehal ng 1st district ng Maynila ang ang social media personality na si Rosmar Tan-Pamulaklakin, sa unang araw ng paghahain nito, Martes, Oktubre 1.

Sa panayam ng media kay Rosmar, sinabi niyang wala naman daw sana siyang balak tumakbo at pasukin ang politika, subalit may nag-push lang daw sa kaniya para subukin ang public service.

"Sa totoo lang, tulad ng lagi kong sinasabi, wala naman po akong balak tumakbo dahil dagdag sakit sa ulo, dagdag-obligasyon, dagdag-responsibilidad. Pero kasi may nag-push po sa akin na tumakbo ka kasi kailangan ka ng tao, kasi kailangan nila ng tunay na pagbabago," ani Rosmar.

Dagdag pa ni Rosmar, simula pagkabata ay tumutulong na siya sa kapwa at maging sa stray animals gaya ng mga aso, kaya ito na ngayon ang nakikita niyang misyon niya sa buhay.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nang tanungin kung sino ang nag-udyok sa kaniyang tumakbo batay sa tinukoy niya, sinabi niyang walang politikong nagsabi sa kaniya kundi pribadong indibidwal na kaibigan niya. Bukod dito, tumatakbong independent si Rosmar at hindi kasali sa alinmang partido.

Pangalawang beses nang pagtatangka ito ni Rosmar na kumandidato, at ang unang beses ay natalo siya dahil sa kakulangan ng kampanya at katatapos lamang niyang manganak.

Kamakailan lamang ay usap-usapan ang kaniyang "R Mansion" na inspired sa reality show na Pinoy Big Brother na umeere sa ABS-CBN.