October 11, 2024

Home FEATURES Trending

Resto, nagsalita na sa isyu ng food server na sinibak umano dahil sa pagpapakain sa stray animals

Resto, nagsalita na sa isyu ng food server na sinibak umano dahil sa pagpapakain sa stray animals
Photo Courtesy: Goto Tendon (FB), Vhal Sadia (TikTok)

Nagbigay na ng pahayag ang isang Filipino restaurant matapos umugong ang isyu tungkol sa empleyado nilang food server na sinibak umano sa trabaho dahil sa pagpapakain sa stray animals.

Sa Facebook post ng Goto Tendon nitong Lunes, Setyembre 30, sinabi nilang nalulungkot umano sila sa insidenteng nangyari sa Scout Borromeo branch ng nasabing resto.

“We are deeply saddened by the recent incident involving one of the staff at our Scout Borromeo branch, whose kindness towards stray animals has touched many hearts,” saad ng Goto Tendon.

“We want to assure everyone that we are taking this matter seriously and have been looking into what happened, including reviewing the actions taken by our manpower provider and his employer, Bestoptions Assistance, Inc,” anila.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Dagdag pa ng resto: “Our commitment is to ensure that our practices reflect our values of empathy, kindness and responsibility. While we support our staff's personal causes, we also continuously strive to enforce policies and processes that ensure a positive experience at our branches.”

Naniniwala umano rin ang Goto Tendon na posibleng magkaroon ng maingat na balanse sa pagitan ng pagiging makatao at propesyunal na tungkulin sa customer.

Sa huli, pinasalamatan nila ang pang-unawa ng publiko.

Matatandaang sa kumalat na TikTok post ni Vhal Sardia ay sinabi niyang ni-report umano siya ng kaniyang supervisor dahil umano sa ibinahagi niyang video kung saan matutunghayang nagpapakain siya sa stray animals na naging dahilan umano ng pagkakatanggal niya sa trabaho.