October 01, 2024

Home BALITA

Dating 'asawa' ni Kris Aquino, bet naman pakasalan si Sen. Imee Marcos

Dating 'asawa' ni Kris Aquino, bet naman pakasalan si Sen. Imee Marcos

Nagdulot ng pagkaaliw sa mga tao ang mga hirit ng senatorial aspirant na si Daniel Magtira matapos niyang sabihing nais niyang pakasalan si Senadora Imee Marcos, nang makapanayam siya ng media sa paghahain ng kaniyang certificate of candidacy sa Comelec nitong araw ng Martes, Oktubre 1.

Matatandaang si Magtira ay nakilala noong 2022 presidential elections matapos niyang sabihing dati niyang asawa si Queen of All Media Kris Aquino.

Nang matanong ng media kung kumusta na si Kris, pabirong sinabi ng kakandidato sa pagkasenador na hindi raw niya alam kung nasaang planeta ito ngayon.

Matapos ang paghahain ng COC ay hinarana pa ni Magtira si Sen. Imee.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa mas seryosong usapin, sinabi ni Magtira na ang dahilan ng kaniyang pagtakbo bilang senador ay upang isulong daw ang kapakanan ng mga Pilipino, partikular na ang pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.