September 30, 2024

Home BALITA

VP Sara 'sinuway' ang nanay, nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od

VP Sara 'sinuway' ang nanay, nagpa-tattoo kay Apo Whang-Od
Photo courtesy: Sara Region VI (FB)

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang pagpapalagay niya ng tattoo sa 107-anyos at pinakamatandang mambabatok na si Apo Whang-Od, na matatagpuan sa Buscalan, Kalinga Province.

Sa Facebook page na Sara Region VI, makikita ang pagpapa-tattoo ni Duterte kay Apo Whang-Od, na aniya, ay pinagbawalan na raw ng kaniyang inang si Elizabeth Zimmerman na magpadagdag ng burda sa katawan, subalit sa pang-apat na beses na kapipilit daw sa kaniya ng mismong mambabatok, ay hindi na siya nakahindi.

Facebook

"A meaningful encounter in Buscalan, Kalinga Vice President Inday Sara Duterte meets Apo Whang-Od, the living legend of Kalinga tattoo art, and connects with the resilient spirit of the Kalinga people. A celebration of heritage, tradition, and unity," mababasa sa caption ng isa sa mga post sa nabanggit na page.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“Tapos ulit na naman siya, ‘Halika. Sabi ko magpaalam muna ako sa nanay ko.’ No'ng pangatlo, ‘Halika, itago lang natin para hindi makita ng nanay mo," kuwento ni VP Sara sa mga residente.

"Sa pang-apat, hindi na ako na nakahindi dahil ang isang senior citizen na mismo ang apat na beses na nagsabi na tattoo-an kita. Kaya masaya din ako dahil meron din ako tulad ninyong lahat na tattoo ni Apo Whang-Od," aniya pa.

Bukod dito, ibinahagi rin sa nabanggit na page ang pamamalengke naman ni VP Sara sa Baguio bago bumalik sa Maynila.

"VP Sara namili sa Kissing Cloud’s Store (Market) Km. 6 Marcos Highway, Baguio City bago bumalik sa Manila," mababasa sa caption.

Facebook