September 30, 2024

Home BALITA Eleksyon

Pokwang, hinimok daw magkonsehal sa Antipolo?

Pokwang, hinimok daw magkonsehal sa Antipolo?
Photo Courtesy: Pokwang (IG)

Tila kasama rin umano ang pangalan ni Kapuso comedienne Pokwang sa mga artistang napupusuan umanong kumandidato sa darating na 2025 midterm elections.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Setyembre 30, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na hinihimok umano ng mga taga-Antipolo si Pokwang na tumakbo bilang konsehal.

“Alam mo ba, kahit sa Antipolo si Pokwang e hinihimok din ng maraming constituents doon na tumakbo bilang konsehal din sa Antipolo,” saad ni Ogie.

Dagdag pa ng showbiz insider: “Pero syempre…parang ‘di pa rin yata magpu-push si Mareng Pokwang. Abangan natin.”

Eleksyon

Vilma Santos, 2 pang anak posibleng pamunuan ang buong Batangas?

Sa ngayon, ayon kay Ogie, ang sigurado munang magbabalik ay ang negosyo ni Pokwang. Wala pa rin kasing inilalabas na anomang pahayag ang Kapuso comedienne upang kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing tsika.