Papalayo na ang bagyong Julian sa Batanes at kumikilos ito patungo sa northwestern boundary ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 30.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Julian 95 kilometro ang layo sa west southwest ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, bukod sa Batanes na nakataas sa Signal No. 4 ay nakataas din sa ang Signal No. 3, 2, at 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4:Batanes
Signal No. 3:
Northern at western portions ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is)
Signal No. 2:
Northern at western portion ng Mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Claveria, Gattaran, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Santa Ana) kabilang na ang mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Apayao
Abra
Kalinga
Ilocos Norte
Northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, Santa Maria, Burgos, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Santa, Caoayan, Bantay, Santo Domingo, San Juan, San Vicente, San Ildefonso, Magsingal, Santa Catalina, City of Vigan)
Signal No. 1:
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Mga natitirang bahagi ng Mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile)
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan)
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo at itataas sa “super typhoon” category ngayong tanghali o gabi.