September 30, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon
Photo Courtesy: Bubble Gang (FB)

Inilabas na ng longest running gag show na “Bubble Gang” ang “Salarin, Salarin” ng BINI-b10 na isang parody song na binatay sa patok na “Salamin, Salamin” ng BINI.

Binubuo ang BINI-b10 nina Michael V, Kokoy De Santos, Buboy Villar, Alberto S. Sumaya Jr., at Matt Lozano.

Sa Facebook post ng “Bubble Gang” nitong Linggo, Setyembre 29, matutunghayan ang official music video ng nasabing kanta.

"’Salarin, Salarin’ by BINI-b10 is out NOW! Late Bloomers, halina't huntingin ang tunay na salarin sa ending. ,” saad sa caption.

Musika at Kanta

Heart Evangelista, binalikan pagiging singer noon

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang music video matapos nila itong mapanood. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Una ko pang natapos tong salarin kesa sa salamin "

"Michael V. Brand of comedy Solidd! Late Bloomer narin po ako "

"this is EJK. review the lyrics. actually you can go beyond that at yung isang lyrics na ung point is ambilis makalimot sa nangyari ng mga bagets is a shade for martial law. tapos ung ending kaya iniemphasize nya kasi ung leader pala ang killer. tapang ni bitoy dito. "

"HAHAHAHHAHAH HOY BINI MAY JOWANA SINOLO MO NAMAN LAHAT NG LINES "

"Respect for this, Michael V. Not only entertaining but spreads awareness of a real issue that people face. "

"The melody is happy but the lyrics is very dark and disturbing just like crimes in the Philippines."

"Trust Michael V to not only make a parody song funny but also hella relevant to social issues."

"when its mystery thriller be like, shady creepy sana pero di ka matakot because ang saya ng tune hehehehe"

"Di ako ready.. i thought it’s funny pero ung shade nya mas dark pa sa dark di ako makatawa while watching… i am with the victim this time. Bitoy be like: yes, we are watching, we know what’s happening."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 37k reactions, 7.8k shares at 631k plays ang nasabing music video.