September 30, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Heart Evangelista, binalikan pagiging singer noon

Heart Evangelista, binalikan pagiging singer noon
Photo Courtesy: Heart Evangelista (IG)

Napa-throwback ang Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista noong mga panahon siya ay kumakanta pa.

Sa isang Instagram reel ni Heart nitong Sabado, Setyembre 28, nakalapat doon ang kanta niyang “One” bilang background music ng video niya sa Paris Fashion Week.

“19 year old me singing ‘ONE’ indeed ‘dreams do come true’ Kikay Missy has been having fun at #pfw #parisfashionweek,” saad niya sa caption ng post.

Ang “Missy” umano na tinutukoy ni Heart ay ang karakter na ginampanan nito sa weekly teen series ng ABS-CBN noong ‘90s na “G-Mik.” 

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Dagdag pa ni Heart: “Yes , I was a singer once upon a time.”

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"@iamhearte ilabas mo na kaya yung dati mong SONGS na hindi napakinggan ng lahat hehe maganda yun."

"I still remember collecting magazines that features Missy back in highschool. This song brings back those memories. "

"Was waiting for you to use this song!! Iconiccccc!!"

"Omg this soooooooong!!!"

"Longevity "

"Thank you for sharing your life and your dreams to each ONE of us!!! Indeed, DREAMS do come TRUE"

"You are still a singer!!"

" Simply lovely, this video captures pure beauty in every frame"

"Nostalgic!! I know the lyrics to this song by heart my goshhhh"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 116k likes, 2,282 comments, at 1.1M views ang nasabing video.