November 25, 2024

Home BALITA National

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Huwebes ng hapon, Setyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:05 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 50 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.