January 03, 2025

Home BALITA Metro

Ikalawang 'Kasalan sa Piitan,' idinaos ng Mandaluyong LGU

Ikalawang 'Kasalan sa Piitan,' idinaos ng Mandaluyong LGU

Muling nagdaos ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ng isang ‘Kasalan sa Piitan,' na pinangunahan mismo ni Mayor Ben Abalos.

Nabatid na aabot sa 23 pares umano ng magkasintahan, na kinabibilangan ng 29 na persons deprived of liberty (PDLs), ang lumahok sa naturang mass wedding nitong Miyerkules, na dinaluhan din nina Vice Mayor Menchie Abalos, BJMP-NCR Regional Director Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres, mga opisyal ng city jail, at mga konsehal ng lungsod.

Isinagawa ang naturang mass wedding sa loob mismo ng Mandaluyong City Jail, sa pamamahala ng City Civil Registry Department katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology-Mandaluyong.

Ayon kay Mayor Abalos, layunin ng pamahalaang lungsod na bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na gawing legal ang kanilang pagsasama.

Metro

MPD, nag-deploy ng 250 pulis para sa First Friday Mass ng Quiapo Church

Kasunod nito ang mas madaling pagproseso ng legitimacy sa birth certificate ng kanilang mga anak o magiging anak.

Ang 'Kasalan sa Piitan' ay kabilang sa 'Re-integration, Reformation Program' ng pamahalaang lungsod at ng city jail para sa mga PDL na nagpapakita ng magandang record ng good conduct time allowance.