November 23, 2024

Home FEATURES Trending

Anak ni Kuya Kim, tumalak sa bashers: 'I'm not responsible for wealth disparity!'

Anak ni Kuya Kim, tumalak sa bashers: 'I'm not responsible for wealth disparity!'
Photo Courtesy: Emmanuelle Atienza (IG), militant (X)

Nagbigay ng tugon ang anak ni GMA trivia master at TV host Kim Atienza na si Emmanuelle Atienza matapos makatanggap ng batikos dahil sa “Guess the bill” challenge nilang magkakaibigan.

Ayon kasi sa mga netizen ay tila insensitibo umanong gumastos ng mahigit ₱100,000 para sa isang hapunan habang nasa bansa na maraming naghihirap gaya ng Pilipinas.

Kaya sa video statement na ibinahagi ni Emman sa kaniyang TikTok account nitong Martes, Setyembre 24, sinabi niya na hindi raw siya ang responsable sa wealth disparity sa bansa.

“I, a singular teenage girl, am not responsible for the wealth disparity in the Philippines contrary to current popular belief. I find it so stupid that people are picking and choosing what to be activists for,” saad ni Emman.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

“If you actually had an issue with the wealth disparity, if you actually had an issue with impoverished people, there are ways to help that are not attacking a teenage girl,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Advocate for those in need or you can also volunteer. Volunteering is free. I’ve done it. Talk to your local government. Do something about it.”

Matatandaang sa isang bahagi ng video statement ay nauna nang nilinaw ni Emman na ang “Guess the bill” challenge nilang magkakaibigan ay lamang daw joke.

MAKI-BALITA: Anak ni Kuya Kim, umani ng batikos dahil sa 'Guess the bill' challenge