October 11, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Adulting is really hard' video ng isang anak, umani ng reaksiyon

'Adulting is really hard' video ng isang anak, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: via VANGOB (FB)

Tila maraming naka-relate sa mga naging hinanakit ng isang babae matapos niyang ibahagi sa isang video kung gaano kahirap ang "adulting."

"Adulting is very hard!" emosyunal na sabi ng babae sa video. 

Sa 2 minutes at 27 second-video ng babae, isinalaysay niya ang isang karanasan matapos niyang mag-grocery ng worth ₱6k para sa kanilang bahay, subalit sa malas ay nakarinig pa raw siya ng hindi magagandang salita mula sa kaniyang pamilya, na sinabihan siyang kung ano-ano lang daw ang binili niya.

"Kung ano-ano lang daw binili ko, a little thank you could have been enough," saad ng lumuluhang anak.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Ang nabanggit na halaga ay puwede na raw sana niyang maibili ng "Puma Palermo," isang brand ng sapatos.

Saad pa ng babae, pakiramdam daw niya, kahit anong gawin niya sa pamilya niya ay hindi pa rin ito sapat. Appreciation lang daw sana mula sa kanilang pamilya ang nais niyang marinig subalit hindi raw maibigay sa kaniya.

"I feel like kahit anong gawin ko, it would never be enough for this family," aniya.

"Thank you lang, konting appreciation lang, 'yon lang. Nakakapagod. Minsan pakiramdam ko mahal n'yo ko, minsan ang lala n'yo! Thank you lang, kahit thank you lang..."

Iniintindi na lamang daw niya ang mga magulang dahil baka ganoon daw ang pagpapalaki sa kanila ng kaniyang lolo at lola.

Humingi ng pasensya ang babae sa video dahil tila dumaraan daw siya sa tinatawag na "quarter life crisis."

Sa huli, nabanggit ng babae na kahit "kulang" daw siya sa aruga ay pinipili pa rin niyang maging loving person.

Hindi naman nabanggit o ipinakita ng babae sa video kung ano-ano ang items na pinamili niya, para pagsalitaan siya ng kaniyang pamilya na mga hindi mahahalagang bagay ang pinamili niya.

Ibinahagi naman ang video niya sa Facebook page na "VANGOB" at pinahanap siya ng admin sa likod nito.

"Sa nakakakilala kay ate paki sabi po message niya ako rito sa page, bigyan ko po siya nung puma palermo na gusto niya. Breadwinner din ako, ramdam kita ate," mababasa sa caption ng post.

Video | Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga nagsabing dapat daw ay kausapin niya ang kaniyang pamilya upang maresolba ang problema at hindi idinaraan sa social media ang lahat.

May mga nagpayo naman sa kaniyang subukin niyang lumayo sa pamilya upang maramdaman nila ang pagkawala ng presensya niya, at baka sakling pahalagahan na siya.

"Opinion ko lang nmn if my problem kayo ng family mo,imbis na umiyak ka sa social media ..umiyak ka in front of your family para magets nila bigat na dinadala mo at san nanggagaling un? Kasi by the time na ok na kayo at magkaayos ,tapos nabash at nalait un family mo at kung ano anong masasakit na salita aabutin nila from other people because of what you did..kahit siguro bigyan mo sila ng bahay at lupa di mo na maibabalik un dignidad na nasira at kinuha mo from your own family ..un e kung mabubuting tao nmn tlga sila at my mga misunderstanding lang kayo at natural po sa family un? Walang family na perfect kahit ung mga rich at famous na mga tao pa..so akin lang think tlga before you click..kc after ng ginawa mo at bigla ka mahimasmasan tapos maging ok na kana magaan na pkiramdam mo at madami pala nakakaunawa sayo,pero abot-abot na bash na panlalait, pangiinsulto or even un iba may threats pa abutin ng family mo..paano mo sila mapagtatanggol ,paano ka nmn makakabawe sa knila, if ever na sobra sobra pangaalipusta ang matanggap nila?"

"Stop helping ungrateful people."

"A lot of comments here invalidating her feelings. Kesyo, family mo naman yan, iyakin ka grocery pa lang yan eh and then comparing their struggle to hers. There's no need for comparison. She's hurt, she's struggling, she just wants to let it out."

"Us men (decent), would just say 'ah okay I'll do better next time.' Ang lesson dyan, wag mo silang ipag-grocery kung alam mo na masama mga ugali. And magbitaw lang ng pera magaan sa loob."

"Magtanong ka muna ksi neneng sa mga magulang mo Kung ano Yun basic necessities na kailangan bilhin para sa bahay.. baka anong kaeklaan lng ang binili mo na di nman mahalaga.. yeah you need to be appreciated about the act you shared but still ask them.. they want to teach you the value of spending your money...

"Darling, you should never make social media as your outlet. Do you want these people na pagpyestahan ka at ng pamilya mo? People can say nice things but a lot also bad mouth your family at sa'yo. Will it make you ease or more stress you? Why not cry to Jesus instead of crying infront of your cellphone? He is the one who truly listens and care for you. Remember, you are not the only one who is facing this kind of situation some are even worse."

"i feel you ate. So me talaga iniiyak ko na lang kasi sakin na lahat bills ,rent , sa food lahat sakin pag naubusan ng gas sakin pa din. Take note tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso at ako ang may pamilya na may mga anak. Yong kuya at ate ko wala pang mga anak pero yong mother and father ko nasakin kasi nong nanganak ako sa bunso ko para may katuwang ako sa pag aalaga pero kahit apo nya yon nag bibigay pa din ako ng pera bukod sa lahat ng gastusin . May time na gusto ko na talag sumuko at tinatamad na ko kasi yong sinasahod ko parang bula lang pero yong pagod ko unlimited. At hindi ko makita sakanila na great full sila nakakaiyak lang talaga."

"Ewan ko ba nman bakit kse may gsto pa kayong patunayan sa pamilya nyo. Oo andun tyo sa gsto nten sumustento pero kung pati pagsustento hindi pdin kuntento pwes alis sa pwesto. Lipat, talon at takbo kung saan mas maganda ang desinyo."

"See? Maraming ungrateful na magulang sa kayang ibigay ng anak nila masyado demanding.. Paswertehan talaga ng magulang sa mundong ibabaw."

"I'm not invalidating your feelings but when I feel so unappreciated I just lock in the room and pray. Praying helps a lot. You know in your heart you have good intentions and that is what matters. God will give you the peace that passes all understanding and you will feel way better. Hugs to you. God bless!"

Ikaw, anong maipapayo mo sa kaniya?